July 15, 2013

How To become a Successful Networker In the Philippines

Kung Gusto Mong Maging Successful sa pagiging networker
dito sa Pilipinas, Meron ka dapat  tatlong kaibiganin. Kasi hindi
mawawala itong tatlong ito sa pagiging Networking mo.

Friend 1: REJECTIONS
Friend 2: OBJECTIONS
Friend 3: Low RETENTION
Friend 1: REJECTIONS



Friend 1: REJECTIONS
==> Ito na!  Excited ka sa bago mong online business.
“Say YES To Success!”  Wooooohoooooo! Binalita mo kagad
sa lahat ng mga kaibigan at kamag  anak mo ang magandang opportunity
 na nakita mo. Ang intensyon mo ay makatulungan lang sa kanila.

 Dalawa ang pwedeng mangyari:

Dahil kilala ka na nila, maniwala kagad sila sayo at sasali kaagad sila sa
bagong opportunity mo. Maganda kung ganito ang nangyari. Ito
talaga ang pinaka mabilis na paraan para kumita sa
MLM (Tapping your Circle of Influence)

Pero minsan, sa di inaasahan na pangyayari, may mga kaibigan 
at kakilala ka na di ka seseryosohin, di ka paniniwalain,
pagtatawanan ka pa ng iba, etc. I know masakit maranasan ang
ganito. At ang tawag dyan ay REJECTION! At isa ang rejections
sa pinaka matinding pagsubok na kakaharapin mo as networker at
entrepreneur. You see, successful entrepreneurs ay ibang klaseng
nilalang. Dapat matigas ang puso mo. Di ka dapat magpapa apekto
 sa mga rejections. “Pero tao lang ako na marunong masaktan”
Oh hu hu hu hu! Partner, wala din networker na pinanganak na may
matibay na sikmura at dib dib. Natutunan lang nilang maging matatag.
Tsaka isipin mo na lang, di naman talaga ikaw ang ni-reject
nila kundi ang opportunity na inoofer mo sa kanila. Kaya di mo
talaga kaylangang magpa-apekto.


Friend 2: OBJECTIONS
==> Prospect: “Eh bat ganito? Eh bat ganyan? Pano yung ganito?
Pano yung ganyan? SCAM yata yan eh? Kumita ka na ba dyan?”...

Nadinig mo na ba ‘tong mga questions na ‘to partner?
Sobrang normal sa profession natin ang mga OBJECTIONS.
Wag kang magugulat kung pagkatapos mong ipakita ang opportunity
ay  maaring tatakbuhan ka nila. Lahat ng prospects (lalo na yung mga
interesado ay may mga objections o questions).
Isang skill na kaylangan nating lahat matutunan ay kung paano
sasagutin ng tama ang ating mga objections.

Friend 3: Low RETENTIONS
Ayos na ayos meron ka ng 5 downline, mukang power na power
at mataas ang mga pangarap nila gaya ng sabi nila sa’yo. After 3
months, napansin mo bihira na silang mag gawin ito. DI ka nadin
nirereplyan nung apat pag kakamustahin mo sila tungkol sa kanilang
business. Parang na Low Bat na yata sila partners.
Guess what? Kaylangan ngayon pa lang iexpect na mangyayari ito,
kaylangan mong iexpect na hindi lahat kasinglaki ng mga pangarap mo.
Kaylangan mong iexpect na hindi lahat magiging kagaya mo.

Paano magiging kakampi ang tatlong to?
Simple lang, kaibiganin mo sila! Anong ibig sabihin nun?

Treat rejections as normal part of our business.
Treat objections as daily part of our business.
Treat low retentions as very common part of networking business.

Wag kang malungkot kung ikaw ay marereject, bakit?
Di ba part nga kase yun ng pagiging Networker mo?

Wag kang maaasar kapag yung prospect mo ay magre-raise
ng objections, bakit? Di ba part lang din ito ng pagiging Networker mo?

At wag na wag kang mag alala kung may mga downlines ka na huminto
at sumuko at bumitaw sa kanilang mga pangarap,

Gusto mong malaman kung paano, Masiguradong mabigo sa
kahit anong business? Yun ay maging emotionaly attach ka sa
business mo and i guarantee you , konting rejection, objection
at retention lang ay tumba ka na.

This letter is very straight to the point. Yung ibang upline hindi
eto sasabihin sa ‘yo. Why I want you to know all of this? ...
It’s because I want to prepare YOU! Gusto kitang maging
handa sa lahat ng mga pag dadaanan mo. Sa negosyo mo kung
talagang may desire ka na maging successful at maabot ang mga
pangarap mo, KAYLANGAN MONG MAGING SI BATMAN 
at si SUPERMAN. BATot MANhid at SUPERMANhid.
I know it's funny or corny pero totoo itong mga sinasabi ko sa’yo.

"Life's Battles Don't Always Go To The Stronger or Faster Man, 
But Soon Or Late The Man Who Wins Is The Man Who Thinks 
He Can!"...
Napoleon Hill

Tandaan mo, isang beses lang tayo mabubuhay,
Why not give your BEST shot?

Let’s give our best and be Unstoppable!


Robin Jimenez

No comments:

Post a Comment